MGA NAPAGKAMALANG MAGNANAKAW, PATAY SA PAMAMARIL.
Nasawi ang isang 26-anyos na lalaki at 15-anyos na estudyante matapos umanong pagbabarilin ng tauhan ng manukan sa Barangay Domoit, Lucena City nitong Lunes ng gabi, Setyembre 7.
Batay sa imbestigasyon, nangunguha umano ng gagamba ang grupo nang biglang paputukan ng suspek. Nakatakas naman ang apat pa nilang kasama.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at inihahanda ang kasong two counts of murder laban sa kaniya. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. | via Martin Banaag
📸: Contributed

