Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nasa labas ng bansa sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano.
Ayon sa BI, walang hold departure order o derogatory record laban sa dalawang senador na makapipigil sa kanilang pag-alis ng bansa, batay sa mga record nito noong araw ng kanilang pag-alis.
Hindi naman idinetalye ng BI ang kanilang itinerary at iba pang impormasyon ng kanilang biyahe, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012. | via Madelyn Villar-Moratillo

