5 KATAO, PATAY SA PAGBAGSAK NG HELICOPTER
Nasawi ang limang katao matapos bumagsak ang isang helicopter malapit sa Long Lellang STOLport sa Sarawak, Malaysia kahapon, Setyembre 8.
Sakay ng helicopter ang isang piloto at apat na health ministry personnel na nagsasagawa ng Flying Doctor Service mission.
Patuloy ang imbestigasyon ng Air Accident Investigation Bureau ng Malaysia upang matukoy ang sanhi ng insidente.
📹: Berita Hariam


