Viral ang video ng isang lalaki sa Zhejiang, China na gumamit ng jet-powered surfboard upang makatawid sa mga binahang kalsada.
Ayon sa mga awtoridad, dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha, stranded ang mga motorista.
Gamit ang motorized surfboard, nalampasan ng lalaki ang mga lubog na kalsada at residential area upang maihatid ang kinakailangang supply sa isang kakilalang na-trap sa baha.
📹 @chacko_anil via RT News

