5 PATAY SA NASUNOG NA BARKO SA CORON.
As of 8:20 a.m., Nasawi ang limang katao habang 43 ang nasagip sa nasunog na M/V June Aster sa karagatan ng Coron, Palawan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), batay sa ulat nitong 11:10 ng Miyerkules ng gabi, Setyembre 9, dinala sa Barangay Turda Covered Court ang limang nasawi at ituturn-over sa Coron Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Lulan ng barko ang 117 pasahero at 17 crew members, na may kabuuang 134 na katao nang sumiklab ang sunog.
Patuloy ang search and rescue operations para hanapin at masagip ang iba pang sakay. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. | via Jim Tejano
📸: Philippine Coast Guard (PCG)

