Pinasinungalingan ng Malacañang na nilaglag diumano ni Pangulong Bongbong Marcos ang kaniyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez matapos itong maaresto sa kasong plunder.
Ayon kay PCO Usec. Claire Castro, may nakitang sapat na ebidensya ang Ombudsman para kasuhan si Romualdez at walang kinalaman ang personal na relasyon ng Pangulo.
Sinabi rin ni Castro na mananatiling neutral si Marcos at hindi makikialam sa proseso ng batas.
Matatandaang inaresto kamakailan si Romualdez dahil sa kasong plunder na nagkakahalaga ng ₱7.44 bilyon kaugnay ng kickback schemes sa mga flood control project.

