Gumamit ang Nepal Army ng heavy-duty drones’ para maghatid ng tulong sa mga komunidad na stranded matapos ang malawakang flashflood at debris flow.

Dahil sa pagkasira ng mga kalsada at tulay, at sa pagkaabala ng mga helicopter sa search and rescue operations, umaasa ang militar sa mga drone para maihatid ang pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sa isang delivery, 281 kilo ng relief supplies ang naihatid sa mga residente sa kabilang bahagi ng Trishuli River.

Ayon sa mga opisyal, ginagamit din ang mga drone sa pagdadala ng labi ng mga biktima at reconnaissance missions.
📸: Reuters

