Sa kabila ng nakabinbing ₱85 wage hike, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR ang ₱60 dagdag sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Kung maaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), tataas mula ₱695 hanggang ₱755 kada araw ang minimum wage ng mga non-agricultural worker. Para naman sa agricultural worker at ilang maliliit na negosyo, magiging ₱718 mula ₱658.
Matatandaang ipinahinto ng korte ang pagpapatupad ng naunang wage hike dahil sa mga legal na usapin.



