Magkakaroon ng dalawang araw na wellness break ang mga guro sa pampublikong paaralan sa Setyembre 14 at 15, ayon sa Department of Education (DepEd).
Layunin nitong mabigyan ang mga guro ng oras para makapagpahinga at asikasuhin ang kanilang personal na pangangailangan bago magsimula ang susunod na term.
Sa dalawang araw na ito, hindi dapat obligahin ang mga guro na dumalo sa mga meeting, training, school activity, magpasa ng report, o iba pang opisyal na gawain.


