Muling inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Love Bus” na ngayon ay fully electric na, simula kahapon ng Miyerkules, Setyembre 9.

May kapasidad na 36 pasahero ang bawat unit at bibiyahe mula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi sa mga rutang Robinsons Galleria–Eastwood City at pabalik.

Ayon sa MMDA, pinag-aaralan din nito ang pagkuha ng karagdagang units para mapalawak ang operasyon ng Love Bus.

📸: MMDA/Quezon City Government


