Nagdeklara ng state of calamity ang Naga City matapos makapagtala ng anim na nasawi at mahigit 300 kaso dahil sa dengue outbreak.
Sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU), umabot sa 307 ang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Setyembre 8. Nakaapekto ito sa 24 barangay sa lungsod, o katumbas ng 88.89%.
Karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay mga kabataan at batang nasa edad 1 hanggang 19.



