Nagpaputok ng flares ang China laban sa isang unarmed na Philippine Coast Guard (PCG) aircraft na nagsasagawa ng routine maritime domain awareness (MDA) flight sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa PCG, nag-radio challenge ang Chinese forces na nakapuwesto sa Zamora Reef laban sa PCG aircraft bago ito lumapag sa Pag-asa Island, saka pinaputukan ng flare. Inulit umano ang naturang aksyon ng Chinese forces na nakapuwesto sa Panganiban Reef.
Giit ng PCG, nagdulot ng panganib sa flight safety nila ang pagpapaputok ng flare at hindi nito titigilan ang MDA flights sa WPS upang patuloy na mamonitor at madokumento ang mga insidente sa lugar.
📸: Philippine News Agency



