Nagdeklara ng state of calamity ang buong probinsya ng Bulacan dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo at habagat o southwest monsoon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 87 evacuation centers sa probinsya ang kasalukuyang ginagamit.
Kabilang dito ang 13 sa Hagonoy at 27 sa Calumpit dahil sa malawakang pagbaha.



