Kinukuwestiyon ng mga residente at lokal na opisyal sa Occidental Mindoro ang pagkakagawa ng mga flood control matapos bumagsak ang ilang bahagi nito sa gitna ng malalakas na pag-ulan dala ng habagat.
Dalawang flood control structure sa Barangay Claudio Salgado ang nasira, na nagdulot ng pagbaha sa mga kabahayan at bukirin.
Kapansin-pansin din ang mga nakalitaw na maliliit na bakal sa mga bumagsak na bahagi, kaya kinuwestiyon kung sapat ang mga materyales na ginamit sa proyekto.
Nanawagan ang mga apektadong residente sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na inspeksyunin ang mga proyekto at tukuyin kung sino ang dapat managot.
📸: PIO Occidental Mindoro


