Maglalagay ang pamahalaan ng 13 karagdagang pumping station sa Metro Manila bilang hakbang para mabawasan ang pagbaha lalo na kapag nananalasa ang malakas na pag-ulan.
Kasama rito ang apat na bagong itatayo habang ang iba ay ipapa-upgrade, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes.
Target ng pamahalaan na maging operational ang mga pumping station bago matapos ang 2026 o sa unang bahagi ng 2027.

