Namataan ang isang active nest ng South Philippine Hawk-Eagle (Nisaetus pinskeri) sa Leyte Island nang subaybayan ng mga researcher ang isang pares ng agila mula sa paggawa ng pugad, pag-iincubate ng itlog, hanggang sa matagumpay na unang paglipad ng sisiw.
Ito rin ang unang pagkakataong naidokumento nang buo ang nesting cycle ng species—mula sa paggawa ng pugad, pagpapapisa ng itlog, hanggang sa paglipad ng sisiw.
Ayon sa foundation, makatutulong ang mga bagong impormasyon sa pagpapalakas ng conservation efforts at pangangalaga sa natitirang forest habitat ng globally-endangered na ibon.
📸: Philippine Eagle Foundation

