Hindi mahihinto ang imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa pagkakasangkot ni dating House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control kahit pa bumaligtad sa kaniyang testimonya ang dating marine na si Orly Guteza.
Kahit pa nag-recant si Guteza, mayroon pa umano silang 28 witness na mayroong direktang kaalaman sa mga naging transaksyon ni Romualdez, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Hindi rin sila titigil sa pag-iimbestiga kahit pa marami ang ayaw magsalita hinggil sa korapsyon, dagdag ni Remulla.


