Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang mga panuntunan para sa seguridad ng mga armas na inisyu sa kanilang mga tauhan matapos ang naging pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City.
Pinaalalahanan naman ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez ang kaniyang mga tauhan na maging responsable sa pagtatago ng kanilang mga armas at hindi dapat ito iwan lang kung saan-saan.
Kamakailan, dalawang menor de edad ang nasawi dahil sa naging pamamaril, kung saan nakuha ng shooter ang baril mula sa kaniyang ama na tauhan ng Bureau of Customs. Kalaunan ay sinibak rin ito sa pwesto.


