Isinailalim ng Manila City Council sa state of calamity ang 27 barangay sa lungsod na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng habagat.
Kabilang dito ang Barangay 101, 105, 195, 199, 213, 214, 215, 216, 217, 292, 313, 314, 327, 330, 432, 598, 600, 602, 607, 649, 686, 738, 800, 884, 893, 895 at 903.
Layunin ng deklarasyon na mapabilis ang paggamit ng calamity funds para makapagbigay ng pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga residenteng naapektuhan ng baha.


