Sinelyuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga dispensing pump ng 25 sa 65 gasolinahan sa Luzon matapos bumagsak sa isinagawang fuel marking test.
Ayon sa BIR, isasailalim sa imbentaryo ang mga apektadong fuel habang hinihintay ang resulta ng karagdagang pagsusuri.
Kapag napatunayang may paglabag, papatawan sila ng kaukulang buwis, multa, at iba pang legal na aksyon.

