Nagkarambola ang isang AUV, sedan, at motorcycle taxi sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City pasado 11:00 ng gabi nitong Biyernes, Agosto 21.
Wasak ang unahan ng puting sedan matapos bumangga sa poste ng ilaw, habang nagkalat sa kalsada ang mga basag na salamin. Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan, kabilang ang motorcycle taxi rider at pasahero nito.
📷: Barangay Wack-Wack Greenhills East

