Inaresto ang dating mayor ng Balangiga, Eastern Samar noong Biyernes ng gabi, Agosto 21, dahil sa umano'y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA 3019.
Ayon sa pulisya, isinilbi ang warrant of arrest na inisyu ng korte sa Lapu-Lapu City kaugnay ng umano'y paglabag sa Sections 3(e) at 3(h) ng batas. Nakatakda siyang iharap sa korte para sa kaukulang disposisyon ng kaso.



