Nag-abiso ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na magkakaroon ng power interruption dahil sa nakatakdang maintenance ng electrical system ng paliparan.
Ayon sa NAIA, magsisimula ito ngayong Lunes, Agosto 24, alas-1:30 p.m.; sa Martes, Agosto 25 ng 4 a.m. at 11:30 p.m.; at sa Miyerkules, Agosto 26, bandang 4 a.m. Tatagal ng 10 minuto ang bawat interruption.
Gayunpaman, awtomatikong gagana ang backup power system upang magpatuloy ang mahahalagang operasyon ng paliparan.
📸: PNA File



