Ikinatuwa ni Senator Imee Marcos ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sanang idaos sa Nobyembre ngayong taon.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, makatutulong para sa mga botante ang postponement upang maibsan ang epekto ng tumataas na gastos sa transportasyon at presyo ng langis. Gayundin, upang maiwasan ang voter disenfranchisement.

