Pinayagan ng Sandiganbayan si Senador Jinggoy Estrada na sumailalim sa knee X-ray sa isang pribadong ospital sa San Juan City sa darating na Miyerkules, Agosto 26.
Ito ay dahil humirit umano ang kampo ng senador na magpatingin at magpa-X-ray ito sa kadahilanang may iniinda ito sa kaniyang tuhod.
Pagkatapos ng naturang check-up, pababalikin din kaagad si Estrada sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City. | via TJay Mendoza



