Balak ilaan ng pamahalaan ang budget na ₱142.95 bilyon para sa pension ng military at uniformed personnel (MUP) sa 2027, mas mataas ng 6.8% kumpara sa P133.91 bilyon ngayong 2026.
Ayon kay dating Finance Undersecretary Cielo Magno, muling ipinapakita nito ang pangangailangan na maisulong na nang agaran ang reporma sa MUP pension system upang hindi na lumaki pa ang fiscal burden ng gobyerno.
Samantala, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na nananatiling nasa komprehensibong pagsusuri ng pamahalaan ang MUP pension reform, habang tinitiyak na mapoprotektahan ang benepisyo at kapakanan ng mga uniformed personnel.
📸: Philippine News Agency



