“I’M SORRY TO EACH ONE OF YOU. I’M SORRY PO.”
Humingi ng paumanhin si Gina Acosta, dating Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer, nang maging emosyonal ito matapos tanungin ni Senator-Judge Imee Marcos tungkol sa kalagayan ng kaniyang asawa na binisita niya sa Davao City noong nakaraang linggo.
Aniya, hindi maganda ang kalagayan ng kaniyang asawa, dahilan para humingi siya ng paumanhin habang emosyonal na sinasagot ang tanong ng senadora sa ika-17 araw ng impeachment trial ngayong Lunes, Agosto 24.



