Nasagip ng mga awtoridad ang siyam na tripulante ng isang tugboat na sumadsad sa baybayin ng Brgy. Bangan, Botolan, Zambales noong nakaraang linggo.
Ayon sa mga crew, naka-angkla ang MTUG SL SUAL 1 nang mapansin nila ang pagpasok ng tubig-dagat sa hull.
Dahil dito, sinadya nilang ipasadsad ang tugboat sa mababaw na bahagi para maiwasan ang mas malaking panganib.
Nasa maayos namang kalagayan ang lahat ng tripulante at wala namang namataang oil spill sa lugar. | via Jim Tejano
📽️: PCG

