BABALA: SENSITIBONG BALITA.
Natagpuan ang bangkay ng 46-anyos na lalaki sa silong ng isang bahay sa Brgy. Tonsuya, Malabon City, matapos maamoy ng mga residente ang umaalingasaw at masangsang na bagay.
Ayon sa mga residente, huling nakita ang biktima na naglilimas ng tubig sa kanilang lugar.
Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima, ngunit kailangan pa itong sumailalim sa autopsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito. | via Jim Tejano
📸: Manila PIO



