Muling pinalawig ni Senador Loren Legarda ang kaniyang medical leave hanggang Setyembre 2, 2026, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Ayon sa abiso ng opisina ng senadora, naka-medical leave siya sa mula Agosto 24 haggang 26 at Setyembre 1 hanggang 2.
Huling dumalo si Legarda sa plenary session ng Senado noong Hulyo 29, bago siya mag-medical leave noong Agosto 3.
Matatandaang iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman si Legarda at ang kaniyang anak na si Rep. Leandro Leviste kaugnay ng mga reklamong graft at plunder na may kinalaman sa ₱10 bilyong solar power projects.



