Naglagay ang Department of Health (DOH) ng mga fast lane para sa mga pasyenteng may leptospirosis sa 33 pampublikong ospital sa Metro Manila at apat na rehiyon sa Luzon.
Layunin nitong mapabilis ang pag-aasikaso sa mga may sakit at maiwasan ang congestion sa mga ospital.
Kasunod ito ng mga ulat na puno na ang ilang pagamutan dahil sa pagdami ng mga pasyente. Sinabi naman ng DOH na umabot sa 4,285 kaso ng leptospirosis sa buong bansa hanggang Agosto 22.



