BABALA: SENSITIBONG BALITA!
Nakita na ng mga awtoridad sa Navotas landfill ang labi ng isang 13-anyos na lalaki na halos pitong araw nang hinahanap.Naiulat na nalunod ang biktima sa Baseco beach noong Agosto 16 sa kasagsagan ng masamang panahon.

Positibong kinilala ng mga magulang ang biktima bago ito inilibing sa Manila South Cemetery.

Pinaalalahanan ang mga magulang na huwag hayaang lumusong o maligo sa dagat ang mga bata, lalo na kapag masama ang panahon. | via Jim Tejano
📸: Manila PIO


