Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban sa isang pulis kaugnay ng shooting incident sa Tacloban City noong Hunyo 22.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, inirekomenda ng Office of the City Prosecutor ng Tacloban City ang pagsasampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Physical Injuries laban kay PSSG Arla Ray Pacencia.
Isasampa ang kaugnay na Information sa Family Court, Regional Trial Court of Tacloban City.
Nabuo ang rekomendasyon matapos ang preliminary investigation sa reklamong inihain ng mga magulang at estudyante ng San Jose National High School kaugnay ng shooting incident na kinasangkutan ng isang Child in Conflict with the Law (CICL).
Ayon sa DOJ, magpapatuloy ang criminal process alinsunod sa due process at mga umiiral na batas para sa lahat ng panig. | via Earlo Bringas



