NIÑO MUHLACH, NAKABANGGA NG BYSTANDER.
Nakatulog daw ang aktor na si Niño Muhlach habang nagmamaneho, dahilan ng pagkakabangga nito sa isang kainan sa Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo City nitong Linggo, Agosto 23.
Ayon sa aktor, siya mismo ang nagmamaneho dahil day-off ng kaniyang driver. Aniya, dahil sa pagod ay nakatulog siya habang nasa nagmamaneho.
Nabangga ng kaniyang SUV ang isang bystander na kumakain sa isang eatery, maging ang isang nakaparadang motorsiklo, at ilang establisimyento.


Agad na isinugod sa ospital ang biktima. Humingi naman ng paumanhin si Muhlach sa mga naapektuhan at nangakong pananagutan niya ang insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring aksidente.
📸: Syrel Jateco Traquena


