Nanawagan sa gobyerno ang Pampanga LGU para sa agarang tulong dahil nananatiling lubog sa baha ang 314 barangay sa lalawigan.
Ayon kay Pampanga Gov. Lilia Pineda, mahigit 1 milyon residente ang apektado, habang 3,000 pamilya ang nananatili sa evacuation centers. Umabot naman sa ₱1.4 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa malakas na pag-ulan nitong mga nakaraang linggo.
Bilang tugon, plano ng administrasyon ang pagtatayo ng mga dam sa Sierra Madre, paglalagay ng dike at iba pang flood control projects upang makatulong sa pagkontrol ng tubig-ulan at mabawasan ang pagbaha.
📸: PCO


