Itinaas sa yellow rainfall warning ang ilang bahagi ng Zambales at Bataan dahil sa posibleng banta ng mga pagbaha ngayong Martes, Agosto 25.

Ayon sa PAGASA, posibleng maranasan ang mahihina at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Nueva Ecija, Rizal, Cavite, at Batangas.

Habang parehong lagay ng panahon ang nararanasan sa Bataan, Pampanga, Tarlac, Bulacan, at Metro Manila.




