247 KILO NG MISHANDLED MEAT, NASABAT SA PASAY PUBLIC MARKET.
Nasabat ang nasa 247 kilo ng mishandled meat sa Pasay City Public Market sa isinagawang operasyon ng National Meat Inspection Service (NMIS) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong madaling araw ng Martes, Agosto 25.

Kabilang sa mga nakumpiska ang frozen beef, chicken at pork na mishandled at hindi tama ang pagkakaimbak. Tinatayang nasa P80,000 ang halaga ng mga karne.

Ayon sa NMIS, mas mababa sa suggested retail price (SRP) ang bentahan ng mga ito kaya mas tinatangkilik ng mga consumer. Wala rin umanong maipakitang kaukulang dokumento ang ilang nagtitinda.

Mula Enero, nasa 160 metric tons na ng mishandled, hot meat, at undocumented meat products ang nasabat ng NMIS sa buong bansa, na karamihan ay mula sa ibang bansa. | via Jim Tejano
📸: Contributed



