Ipinagpatuloy nitong Martes, Nobyembre 10, ang construction ng Unified Grand Central Station (UGCS) sa Quezon City, na target nang maging operational pagsapit ng Marso 2028, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, ikokonekta ng istasyon ang MRT-3, LRT-1, MRT-7, at EDSA Busway upang mapadali ang paglipat ng mga pasahero sa apat na pangunahing sistema ng pampublikong transportasyon.
Nagsimula ang pagpaplano sa proyekto noong 2007. Sinimulan naman ang construction noong 2019, ngunit natigil ito noong 2024 dahil sa problema sa dating kontratista.
📷 DOTr


