Pinabulaanan ng Cebu-based shipping firm na Gothong Southern ang pagkakasangkot nito sa umano’y pagpupuslit ng ₱13 bilyong halaga ng sigarilyo sa bansa.
Nilinaw ng kumpanya na hindi ito iniimbestigahan kaugnay ng insidente at iginiit ang paggalang nito sa due process at sa imbestigasyon ng mga awtoridad.
Samantala, nagsampa na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kaso laban sa 13 indibidwal na iniuugnay sa smuggling ng mga sigarilyo mula China.
📷 PNP


