Magmumungkahi ang European Union (EU) na ipagbawal sa mga batang wala pang 15-anyos ang paggamit ng social media, video-sharing platforms, AI chatbots, at online games.
Sa panukala, maaaring gumawa ng sariling accounts ang mga edad 15 pataas, habang kailangan naman ng parental control para sa mga edad 13 hanggang 14.
Ang mga batang edad 3 hanggang 12 ay maaari lamang gumamit ng child-friendly services na kontrolado ng magulang, habang walang access sa mga serbisyong ito ang wala pang 3-anyos.
Layunin ng panukala na protektahan ang mga bata laban sa online abuse, exploitation, addictive designs at harmful content.



