Nagbukas ang Live Nation Philippines ng waitlist para sa mga concert ni Bruno Mars sa Philippine Arena sa 2027.
Ayon sa local promoter, maaaring mag-sign up ang fans sa Ticketmaster Philippines upang makatanggap ng abiso sakaling maglabas ng karagdagang tickets. Gayunman, hindi ginagarantiya ng waitlist ang pagkakaroon ng ticket.
Magtatanghal si Bruno Mars sa Bulacan sa Mayo 15, 16, at 18, 2027 bilang bahagi ng kaniyang “The Romantic Tour.”
📷 Bruno Mars

