Magdaragdag ang Department of Transportation (DOTr) ng 50 bus sa EDSA Busway simula ngayong Huwebes, Nobyembre 12, upang matugunan ang inaasahang pagdami ng mga pasahero para sa ASEAN Summit at holiday season.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, inaasahang makatutulong ang dagdag na mga bus sa pagseserbisyo sa 30,000 pang pasahero kada araw. May panibagong batch din ng mga bus na ide-deploy sa Disyembre.
Samantala, apat sa pitong sirang elevator sa mga istasyon ng EDSA Busway ang naipaayos na, habang tatlo pa ang hindi gumagana sa Bagong Barrio, Balintawak, at Monumento.
📷 PNA


