Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga tindero sa Pasay City na nawalan ng kita matapos pagbawalang magtinda dahil sa security measures para sa ASEAN Summit.
Sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program, nagbibigay ang ahensya ng food packs at cash assistance na maaaring umabot sa ₱10,000, depende sa assessment ng social workers.
Hinimok ng DSWD ang mga hindi pa nakatatanggap ng ayuda na makipag-ugnayan sa kanilang LGU para ma-refer sa ahensya.
📷 DSWD


