Wala pang namomonitor na banta sa seguridad ng 49th ASEAN Summit at Related Summits, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Tiniyak ni NCRPO officer-in-charge Police Brig. Gen. Christopher Abrahano na patuloy ang intelligence monitoring at nakahanda ang mga contingency plan para sa anumang posibleng insidente.
Ayon pa kay Abrahano, paiiralin ng pulisya ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng protesta habang tinitiyak ang seguridad ng mga lugar na pagdarausan ng summit, kabilang ang Philippine International Convention Center (PICC).
📷 PNA


