Nagtalaga ng dedicated lane sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City para sa mga sasakyang maghahatid sa mga delegate at VIP na dadalo sa ASEAN Summit.
Pinapayuhan ang mga motorista na asahan ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa lugar dahil isang lane ang ilalaan para sa mga sasakyang may kaugnayan sa summit.
Kabilang sa mga lugar na binabantayan ng mga security personnel ang welcome arc, Cultural Center of the Philippines, World Trade Center, at Philippine International Convention Center.


