Nagpatotoo ang dalawang testigo ng prosecution na ilang beses nilang nakitang may mga maletang inihahatid sa bahay ni dating Rep. Zaldy Co sa Taguig, ngunit hindi nila makumpirma kung naglalaman ang mga ito ng pera.
Sa ikaapat na araw ng bail hearing ni Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng kasong plunder na nagkakahalaga ng ₱7.4 bilyon, sinabi ni Police Major Alvin Nuguid na tinatayang 50 hanggang 60 maleta ang nakita niyang inihahatid sa bahay ni Co.
Ayon sa testigo, naririnig lamang niya ang mga biruan umano na “may pera sa basura” kaugnay ng “special tasking” sa mga paghahatid ng maleta, ngunit hindi niya alam ang laman ng mga ito. Sinabi rin niyang nakita niyang bumisita si Romualdez sa bahay ni Co nang mahigit isang oras.
Samantala, sinabi ni Police Master Sergeant Larry Bellen na nasa 10 hanggang 12 beses niyang nakita ang paghahatid ng mga maleta sa bahay ni Co, ngunit hindi rin niya alam ang laman ng mga ito.
📷: Rep. Zaldy Co

