Ipatutupad ng Korte Suprema (SC) ngayong Lunes, Oktubre 19, ang serbisyong eNotarization na nagbibigay-daan sa publiko na magpanotaryo ng electronic documents online.
Para magamit ang serbisyo, kailangang magparehistro muna ang mga user sa opisyal na registration portal ng mga unang batch ng SC-accredited Electronic Notarization Facility providers.
Pagkatapos magparehistro, maaari silang pumili ng electronic notary public mula sa listahan ng mga awtorisado ng SC.
Ayon sa SC, layunin ng serbisyong ito na gawing mas accessible at mabilis ang proseso ng notarization.

