Sinisi ni United States President Donald Trump ang immigration sa kaguluhang naganap sa France, at iginiit na pininsala umano nito ang dating maunlad na bansa.
Sa kaniyang pahayag sa Truth Social nitong Linggo, Oktubre 18, hinimok niya ang France na isara ang borders nito at higpitan ang kontrol sa imigrasyon bago mahuli ang lahat.
Nagkaroon ng malawakang protesta sa France dahil sa mga isyu sa edukasyon, pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbaba ng kalidad ng mga serbisyong pampubliko. Nauwi ang ilang demonstrasyon sa karahasan, panununog at pagnanakaw.
Gayunman, iniugnay ng mga awtoridad ng France ang karahasan sa ilang grupong radikal at mga kriminal, at hindi nila kinumpirmang imigrasyon ang sanhi ng kaguluhan.
📹: @realDonaldTrump

