Posibleng maglabas ng resolusyon ang Senado kaugnay ng panawagang ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan dahil sa kaniyang mga pahayag laban sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pahayag ni Jing na kayang talunin ng China ang Pilipinas sakaling gumamit ito ng puwersa sa usapin ng West Philippine Sea.
Ayon kay Senador JV Ejercito, pinag-uusapan na ng mga senador ang posibleng resolusyon, bagama’t wala pang pinal na desisyon.
Hinimok din ni Ejercito ang Beijing na palitan ang ambassador dahil lalo lamang umanong nagpapataas ng tensiyon ang kaniyang mga pahayag at hindi nakatutulong sa ugnayan ng dalawang bansa.
📸: DFA

