Nagsilabasan ang mga mamamayan sa Europe para ikasa ang magkakahiwalay na protesta, na ang iba ay nagresulta sa looting, riots at pagkaaresto ng libu-libong raliyista.
Sa France, mahigit 800,000 katao ang nakiisa sa 110 kilos-protesta sa buong bansa nitong weekend, Oktubre 17-18, para manawagan tungkol sa mataas na cost of living at panawagan para ayusin ang sistema ng edukasyon.
Bagaman naging mapayapa ang protesta ng higit na nakararami, nauwi naman sa looting, riots at arson ang pagkilos ng ilang violent groups.
Tinarget ang ilang mga mamahaling shops tulad ng Apple, Louis Vuitton at Hermes, at ilang mga supermarket. Ilang pampublikong gusali rin ang sinunog tulad ng city hall sa Limoges at tourist office sa Lyon. Nilagyan naman ng graffiti ang city hall sa Marseille.
Mahigit 2,000 katao ang inaresto habang halos 1,000 kapulisan at mga nasa hanay ng awtoridad ang napaulat na nasaktan.
Sa Albania, ilang araw na ring nagpoprotesta ang mga mamamayan sa bansa, maging sa Tirana na kabisera nito, kung saan umingay ang panawagan para magbitiw ang Prime Minister na si Edi Rama.
Nadamay sa panununog ang mga gusali ng gobyerno, mga bangko at mga business establishment. Pinagbabato ang mga riot police na gumanti naman ng tear gas, water cannon at rubber bullets.
Ikinasa sa Italy ang mga protesta sa Milan at iba pang lugar para manawagan tungkol sa mataas na cost of living at housing at kontrahin ang umano'y hindi magandang serbisyo ng gobyerno.
Naitala ang mga insidente ng looting, panununog at karahasan sa pagpigil sa mga nagpoprotesta.
Sa Belgium, nagprotesta ang mga estudyante sa mga nakalipas na linggo laban sa tumataas na gastusin sa edukasyon, na siya ring sentimyento ng mga estudyante sa France na nagrarally laban sa kakulangan ng mga guro, sirang pasilidad at siksikang mga silid-aralan.
Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga nagpoprotesta at ng pulisya sa Brussels at Liege kung saan ginamitan ng tear gas at water cannon ang ilang grupo ng mga raliyista.
Libu-libo ang nagmartsa sa Portugal para ireklamo ang mataas na cost of living at housing at paingayin ang panawagan para sa mas mataas na sahod, mas maayos na serbisyo publiko, at solusyon sa krisis sa pabahay.
Naitala ang sagupaan sa pagitan ng mga raliyista at pulis kung saan nasa 35 ang nasugatan.
Sa mga nakalipas na lingo, nagprotesta ang mga mamamayan sa Spain para manawagan para sa renters, kasunod ng galit ng publiko sa kontrobersyal na pagpapalayas sa isang 87-taong-gulang na babae sa Madrid.
Ang malawakang social unrest ay naging dahilan para magpatawag ng maagang halalan si Prime Minister Pedro Sánchez matapos mabigong makakuha ng suporta sa Parliament para sa mga pondo laban sa evictions at spekulasyon sa lupa.
Bagama't naging mapayapa ang mga protesta, sumiklab ang kaguluhan sa Barcelona matapos ang opisyal na pagbuwag sa Parliament.


